Baril ng anak, ginamit ng ama sa pagsu-suicide

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 61-anyos na ama ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang service firearm ng anak na pulis dahil sa umano’y mga karamdamang taglay at hindi na maging pabigat sa kaniyang pamilya sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Bala sa sentido ang tumapos sa buhay ng biktimang si Lorenzo Victoriano, residente ng #2953 Orani st., Tondo.

Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi  sa loob ng bahay ng biktima nang kunin ng nasawi ang service firearm ng anak na si PO2 Rommel Victoriano, 36, nakatalaga sa Valen­zuela City Police sa locker nito na ginamit sa pagbabaril.

Sinabi ni PO2 Victoriano na nakatakdang isailalim sa general check-up ang kanyang ama na nahihirapan umano sa sakit na diabetes, hypertension at rayuma. Napansin umano niya ang pananamlay, hindi pagkikibo at pagiging malungkutin ng ama nitong nakalipas na mga araw.

Show comments