^

Metro

Mister ni Ruby Rose 'swak' sa parricide

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines -Pormal nang sinampahan ng kasong parricide ng Department of Justice (DOJ) sa Malabon Regional Trial Court (RTC) si Manuel Jimenez III kaugnay sa pagpatay sa kanyang asawang si Ruby Rose Barrameda Jimenez na kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.

Base sa amended information na isinumite sa Malabon RTC ng panel of prosecutors sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Theodore Villanueva at mga miyembro nito na sina Assistant State Prosecutors Benito Oliver Sales at Cielito Celi, may probable cause upang isulong ang kaso sa korte at litisin sa kasong parricide si Jimenez III.

Matatandaan na una nang sinampahan ng kasong murder sa korte ang mga akusadong sina Atty. Manuel Jimenz Jr., shipping magnate na si Lope Jimenez, Leonardo Descalso at Robert Ponce.

Samantalang ang whistle-blower na si Manuel Montero ay naalis na sa listahan ng mga akusado matapos itong gawing state witness sa krimen na naganap noong Marso 14, 2007.

Nagkaroon umano ng direktang partisipasyon at pagsa­sabwatan ang mga nabanggit na akusado sa nasabing krimen.

ASSISTANT STATE PROSECUTORS BENITO OLIVER SALES

CIELITO CELI

DEPARTMENT OF JUSTICE

LEONARDO DESCALSO

LOPE JIMENEZ

MALABON REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL JIMENEZ

MANUEL JIMENZ JR.

MANUEL MONTERO

ROBERT PONCE

ROCHELLE BARRAMEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with