^

Metro

Baby patay sa ligaw na bala

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang siyam na buwang sanggol na babae ang nasawi ma­karaang tamaan ng ligaw na bala habang mahimbing na natu­tulog sa loob ng kanilang bahay, kamakalawa ng umaga sa Las Piñas City.           

Patay na nang idating sa Per­petual Help Medical Cen­ter ang sanggol na si Xaviera San­chez na nag­ tamo ng tama ng bala ng baril sa noo.           

Sa ulat ng Las Piñas po­lice, naganap ang insidente dakong alas-10 kahapon ng umaga habang natutulog ang sanggol sa bahay nito sa Saturn St., Ma­payapa Village, Brgy. Pulang Lupa I, nang tamaan ng bala na hindi alam kung saan nagmula.

Ayon sa inang si Jennifer Pac­libot, inihiga niya ang anak sa kama ng kanilang silid maka­ra­ang mangga­ling sa pa­lengke. Sandali niyang iniwan ang natu­tulog na anak ngunit nang bu­malik ay napansin ang uma­agos na dugo buhat sa noo nito.           

Patuloy naman na nag­sa­­sa­gawa ng imbestigas­yon ang mga awtoridad sa naturang lugar upang ma­batid kung saan posibleng galing ang bala.

vuukle comment

AYON

BRGY

HELP MEDICAL CEN

JENNIFER PAC

LAS PI

PULANG LUPA I

SATURN ST.

SHY

XAVIERA SAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with