^

Metro

Dayuhan nanghabol ng saksak sa NAIA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nag-ala-Rambo ang isang dayuhan matapos itong mang­habol ng saksak sa mga pasa­herong dumarating sa Ninoy Aquino International Airport­ (NAIA) terminal 2 kaya napilitan ang mga awtoridad dito na tirahin siya ng taser gun.

Ang nagwalang banyaga ay nakilalang si A-Kim Mursa­laet, pero hindi pa malaman ng Immigration kung ito nga ang tunay na pangalan ng una.

Si Mursalaet ay bumu­lagta ng tamaan ng electric shock mula sa taser gun at nawalan ng ulirat hang­gang sa bitbitin at ibiyahe patungo sa Bicutan detention­ cell ng BI.

Nabatid na pitong buwan ng nasa isolation room ng NAIA terminal 2 si Mursalaet matapos na makuwestiyon ng immigration intelligence ang kanyang  nasyonalidad.

Si Mursalaet ay nadis­kubre ng BI na may dalawang hawak na pasaporte, isang South African at Russian, nang duma­ting ito sa Manila. 

Ayon kay NAIA terminal 2 Immigration duty supervisor Augusto Morales, nakatakda na sanang ihatid sa Bicutan immigration detention cell ang dayuhan nang humiling itong pumunta ng comfort room saka nagtagal doon.

Ilang minuto itong nag­kulong sa comfort room bago ito lumabas at nang haha­wakan na siya ng mga awto­ridad ay bigla itong nagpu­miglas at nagwala sabay halihaw ng kanyang hawak na nail file sa mga ahente ng bureau at ilang nabiglang pasa­hero.

Sa gitna ng panghahabol nito ng saksak nakatawag agad si senior Immigration agent Efren Labiang sa mga tauhan ng airport police detection & reaction division kung saan ginamitan ang dayuhan ng taser gun.

Matapos mawalan ng ulirat si Mursalaet ay mabilis na isinasakay para ihatid sa Bicutan detention cell.

Napag-alaman na iti­nanggi ng Russian Embassy at South African Embassy na mayroon silang nasyonalidad na katulad ni A-Kim Mursalaet.

A-KIM MURSA

A-KIM MURSALAET

AUGUSTO MORALES

BICUTAN

EFREN LABIANG

MURSALAET

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RUSSIAN EMBASSY

SHY

SI MURSALAET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with