Onsehan sa droga, kelot patay

MANILA, Philippines - Posibleng onsehan sa droga ang dahilan ng pagka­ma­tay ng isang lalaki matapos itong saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng saksak sa dibdib ang bik­timang si Darwin Narciso, 30, ng Brgy. Ugong ng lungsod na ito. Samantala, blanko pa ang pulisya sa suspek at nagsa­sagawa pa sila ng follow-up hinggil dito. Ayon sa imbesti­gasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-4 ng umaga sa Dulong Tangke, Barangay Malinta ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na katalo ng biktima ang suspek nang biglang mag­bunot ng patalim ang suspek at saksakin si Narciso.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek at iniwan ang duguang biktima. Nakita malapit sa bangkay ng biktima ang dalawang sachet ng shabu na sinasabing pinagtalunan ni Narciso at ng suspek nito.

Show comments