MANILA, Philippines - Dahil sinermunan sanhi ng bisyong paglalasing at pagsusugal, isang 33-anyos na binata ang nagpatiwakal kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Glen Leoncio, 33, ng Ilang-Ilang St., Brgy. Balangkas ng lungsod na ito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na alas-10:00 ng gabi nang makitang nakabigti si Leoncio ng nylon cord sa loob ng kanilang bahay.
Sinasabing dinamdam ng biktima ang panenermon ng kanyang ina dahil sa bisyo nitong paglalasing at pagsusugal.