^

Metro

LBC outlet, Western Union hinoldap

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagiging paborito ng grupo ng holdaper na looban ang LBC outlet makaraang isa na na­mang branch nito ang pinasok at natangayan ng tinatayang P85, 000 na perang ipapadala ng mga kostumer nito, kama­kalawa ng hapon sa Manda­luyong City.

Dumulog sa tanggapan ng Mandaluyong Police ang bikti­mang si Nestor Cruz, 52, cus­tomer associate ng LBC sa may Bulalakaw St., Brgy. Plainview, kung saan iniulat nito ang naganap na panloloob.           

Sa ulat ng pulisya, sinabi ni Cruz na dakong alas-3 ng hapon nang pumasok ang tatlong lalaki at agad siyang tutukan ng baril ng isa sa mga ito. Isa umano sa mga ito ang bumitbit sa kanya at isinalya siya sa loob ng silid at saka ikinandado.           

Nagawa namang makala­bas sa establisimento ni Cruz sa pagdaan sa bintana sa kuwarto at humingi ng tulong sa mga awtoridad. Ngunit hindi na naabutan ng pulisya ang mga suspek na nagawang makata­kas bitbit ang P85,000 salapi.

Matatandaan na pinasok rin ng mga armadong holdaper ang isa pang LBC outlet sa Pasay City kung saan tinangay na ang higit sa P110,000 kita nito ay minolestiya pa ang seksing teller nito ng isa sa mga salarin. 

Samantala, isang sangay ng Western Union money transfer ang hinoldap din ng tatlong arma­dong kalalakihan sa lungsod Quezon at tinangay ang hindi pa mabatid ng halaga ng salapi na kinita nito, iniulat kahapon.

Ganap na alas-4 ng hapon nang holdapin ng mga suspect ang nasabing establisimento na matatagpuan sa Quirino High­way, Brgy. Gulod, Novaliches. Sa pagsisiyasat, lumilitaw na nagyari ang panghoholdap nang pumasok ang mga sus­pect sa naturang tanggapan at nagkunwaring mga kliyente. Ilang sandali, bigla na lamang umanong naglabas ng mga baril ang mga suspect sabay deklara ng holdap.

Isa sa mga suspect ang agad na pumasok sa cashiers booth na binabantayan ng mga teller na sina Cristy Layugan, 25, at Alvin Uy, 24 saka puwer­sahang dinala ang mga ito sa comfort room at pinaghubad ng pang-itaas pababa sa kanilang bewang.

Habang ang dalawa na­mang suspect ang nanglimas sa hindi pa mabatid na halaga ng pera na nasa kaha, bago tuluyang nagsipagtakas.

vuukle comment

ALVIN UY

BRGY

BULALAKAW ST.

CRISTY LAYUGAN

CRUZ

ISA

MANDALUYONG POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with