^

Metro

Paslit utas sa sumabog na fuse ng kuryente

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang tatlong-taong gulang na batang babae ang nasawi makaraang sumabog ang fuse sa poste ng Meralco at ta­maan ng pira-piraso nito ang ka­tawan ng una sa lung­sod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Janly May Buenaobra, ng Bgy. Gulod, Novaliches, na idinekla­rang dead-on-arrival sa Nova­liches General Hospital.

Sa isinagawang X-ray examination sa bangkay ng paslit nakita ang mga matu­tulis na bagay malapit sa puso nito.

Sa ulat ng Police Station 4 ng QCPD, lumilitaw na nang­yari ang insidente sa may kahabaan ng Villareal St., Brgy. Gulod ganap na alas-4 ng hapon.

Diumano, naglalakad ang magtiyahin sa naturang lugar nang bigla na lamang umali­ngawngaw ang malakas na pagsabog na galing sa poste ng kuryente.

Ayon kay Janice, nagulat na lang siya nang makitang bumagsak ang pamangkin sa kalye at may lumalabas na dugo sa dibdib nito.

Agad namang itinakbo ang biktima sa Novaliches Gene­ral Hospital, pero hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Naniniwala ang pamilya ng biktima na ang matulis na ba­gay na nakuha sa loob ng kata­wan ng biktima ay ang piraso mula sa sumabog na fuse.

Binanggit sa ulat na ma­dalas umanong nangyayari ang pagsabog ng fuse sa ka­nilang lugar dahil na rin sa talamak na iligal na konek­syon.

vuukle comment

AYON

BGY

BINANGGIT

GENERAL HOSPITAL

GULOD

JANLY MAY BUENAOBRA

NOVALICHES GENE

POLICE STATION

SHY

VILLAREAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with