Maynila tutulong sa BJMP
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan na handa silang tumulong sa pamunuan ng Bureau of Jail Managament and Penology (BJMP) sakaling paalisin na ang Manila City Jail (MCJ) sa Sta. Cruz, Maynila matapos na mapaulat na naremata na ito ng Home Guaranty Corp.
Ayon kay Marzan, lagi namang handa ang city government sa pagbibigay ng tulong sa mga sangay ng pamahalaan nasa lupain ng lungsod. Aniya, ginagawan ni Manila Mayor Alfredo Lim ng paraan ang lahat upang maserbisyuhan ang publiko.
Sinabi pa ni Marzan na malaki ang lupang naremata ng HGC kung saan bahagi din ang Fabella Hospital at ang Central Market.
Kaugnay nito, sinabi na man ni BJMP chief Director Rosendo Dial na may plano na sila sakaling ilipat ang MCJ. Aniya, hindi biro ang seguridad na kailangan dito subalit ito ay napaghandaan na ng kanilang tanggapan.
Bagamat aminado si Dial na hindi siya nagulat sa ulat na HGC na ang may-ari ng lupain na sinanla ng Public Estate Authority (PEA), mas kailangan din nilang magkaroon ng maayos na piitan ang MCJ lalo na’t sobra na ang preso dito.
Inirekomenda din ni Dial ang pagpapatayo ng jail na pataas kung saan makakatipid sa lugar habang nasa baba naman ang mga korte.
- Latest
- Trending