^

Metro

14 taon kulong sa bumaril sa bystander

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinatulan ng 14 na taong pagkabilanggo ang isang lalaking namaril na ikinasu­gat ng isang customer, sa Parola compound, Binondo, Maynila, may apat na taon na ang nakalilipas.

‘Guilty’ ang hatol ni Manila Regional Trial Court, Branch 52 Judge Antonio Rosales sa akusadong si Pablito Pa­tionag Jr., sa kasong frustrated murder at inatasan din siyang mag­bayad ng hala­gang P25,000 para sa exemplary damages sa bikti­mang si Bonifacio Lebrilla.

Si Lebrilla ay naospital matapos magtamo ng bala sa kaliwang hita nang ma­sapul sa walang habas na pagpapaputok ni Pationag noong gabi ng Hulyo 23, 2006 habang bumibili ng barbeque.

Hindi pinatulan ng korte ang alibi ng akusado na no­ ong maganap ang insi­dente ay nasa Samar ito hanggang Dis­yembre ng 2006.

Sa halip, ang detalya­dong testimonya ng biktima ang kinatigan ng hukom, na namukhaan niya ang aku­sado dahil sa maraming street lights, maliban pa sa ilaw ng barbeque stall at nakilala din niya ang mga ka­sama­han ni Pationag ba­gamat hindi maalala ang mga pangalan.

BINONDO

BONIFACIO LEBRILLA

HINATULAN

HULYO

JUDGE ANTONIO ROSALES

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PABLITO PA

PATIONAG

SHY

SI LEBRILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with