^

Metro

Robbery gang leader, 1 pa timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nadakip ng Caloocan City police ang lider ng “Rex Cortez robbery gang” at isa pang tauhan nito na nasu­gatan sa pakikipagbarilan sa isang pulis matapos na holdapin ang isang pam­pasaherong jeep, kahapon ng madaling-araw sa natu­rang lungsod.

Kinilala ni Chief Insp. Crisencio Galvez, hepe ng Intel branch ng Caloocan police­, ang mga nadakip na si Rex Cortez y Pail, 28, ng no. 39 Libis Espina St., Bgy. 18 at tauhan nito na si Alfred Villagomez, 28.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-5:30 ng ma­daling-araw nang holdapin ng grupo ang isang pam­pasa­herong jeep sa may Libis Espina St. Tiyempo naman na napadaan si PO1 Gian Clifford Malonzo lulan ng kanyang motorsiklo at sinita ang mga suspect.

Ayon kay Malonzo, agad siyang pinaputukan ng mga suspect sanhi upang gu­manti siya ng tatlong putok.

Nagawa namang maka­talilis ng mga suspect dala ang mga salapi at mahaha­lagang gamit ng mga pa­sahero.

Dakong alas-6:15 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Caloocan police sa Jose Reyes Memorial Medical Center ukol sa isang kahina-hinalang lalaki na dinala sa pagamutan dahil sa tama ng bala. Agad namang tinungo ng mga pulis ang pagamutan kung saan nadiskubre ang pas­yente na si Villagomez na kasama ni Cortez sa pang­hoholdap.

Sa pagtatanong ng pu­lisya, naikanta ni Villa­gomez ang pinagtataguan ni Cortez sanhi upang maaresto ito sa follow-up operations.

Ayon sa pulisya, ang grupo ni Cortez ang res­ponsable sa sunud-sunod na pangho­holdap ng mga pampasa­herong jeep sa lungsod at mga naglalakad sa madi­dilim na eskinita.

ALFRED VILLAGOMEZ

AYON

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CHIEF INSP

CRISENCIO GALVEZ

GIAN CLIFFORD MALONZO

REX CORTEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with