Dahil sa mataas na bill ng Meralco: Shabu lab sa QC nabuko
MANILA, Philippines - Dahil sa kahina-hinalang sobrang taas na bill sa kuryente, isang 3-palapag na gusali sa Quezon City ang sinalakay ng mga awtoridad na rito nga nadiskubreng isang shabu laboratory.
Pinasok ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Que zon City Police kamakalawa ng hapon ang isang gusali sa Lot 1 Block 19 sa Bagbag Village sa lungsod dahil na rin sa tip mula sa may-ari ng gusali na isang Cesar Viray.
Reklamo ni Viray, inupahan sa kanya ng isang Santos Wong ang gusali sa halagang P70,000 kada buwan mula noong Agosto 1 pero laking gulat niya kung bakit umabot sa P80,000 ang bill nito sa kuryente dahilan para mag-usisa rito.
Ani Viray, nasorpresa siya nang makakita ng kuwestiyonableng mga paraphernalia sa kanyang gusali dahilan para ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad kundi mga gamit lamang sa paggawa ng shabu ang nasamsam dito. Wala namang naarestong suspek sa loob ng gusali nang isagawa ang raid sa naturang building.
- Latest
- Trending