^

Metro

Trader inutas sa harap ng misis at anak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang na­sawi makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa harap mismo ng asawa at anak nito sa lungsod Quezon kama­kalawa. Namatay noon din sa pi­nangyarihan ng insidente ang biktimang si Jimmy Mangadas, 38, miyembro ng Barangay Po­lice Security Office (BPSO) ng 7 Latundan St., Talanay sa lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Kagawad Road, Talanay B, Brgy. Batasan Hills ganap na alas-8 ng gabi.

Diumano, sakay ng kanilang tricycle ang biktima kasama ang asawang si Rodora at anak na si Carren at helper na si Ro­derick Marco papauwi, nang harangin sila ng isang motor­siklo na sinasakyan ng mga suspect.

Ayon kay Rodora, nakita umano niya ang dalawang lalake na bumaba sa motorsiklo kung saan isa sa mga ito ang lumapit at walang sabi-sabing binaril ang kanyang asawa, pero nagmintis.

Sa pagmintis ng naturang suspect, ay agad na nakababa ng tricycle ang biktima, ngunit isa pa sa kasamahan ng una na nasa kabilang kalye umano ang lumapit sa huli at pinagbabaril ito. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect gamit ang kanilang motorsiklo.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PO

BATASAN HILLS

BRGY

JIMMY MANGADAS

KAGAWAD ROAD

LATUNDAN ST.

RODORA

SECURITY OFFICE

TALANAY B

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with