^

Metro

Pagpapa ospital ni Ivler tinanggihan ng korte

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hindi pa rin pinagbigyan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang kahili­ngan ni road rage suspect Jason Ivler na makapagpa-ospital dahil sa sakit na colostomy.

Ito ay makaraang mabigo ang kanyang abogado na sun­din ang kasunduan na itinakda ng prosekusyon hinggil dito.

Inisnab ng bagong hukom na may hawak ng kaso ni Ivler na si QCRTC Branch 219 Judge Bayani Vargas ang re­quest ni Ivler dahil ito ay premature.

May usapan kasi at nagka­sundo ang mga ito sa sinasabi ng prosekusyon na hindi sila tumatanggi na maipa -ospital si Ivler pero kailangan muna nilang magprisinta ng saksi na magtuturo sa akusado na siyang bumaril at nakapatay sa biktimang si Renato Ebarle, Jr.

Sinabi ni Judge Vargas na sasagutin niya ang urgent mo­tion ni Ivler para makapag­pa-ospital pero kailangan munang gawin ang napagka­sunduan ng magkabilang panig.

Sinasabi naman ng de­pensa na ang usapin sa me­dical condition ni Ivler ay hindi dapat isalang sa pagbusisi bagkus ay gawan ng paraan na maipagamot sa ospital ang akusado.

Si Ivler ang akusado sa pag­patay kay Ibarle Jr. noong Nobyembre 18, 2009 sa isang away sa trapiko.

IBARLE JR.

INISNAB

IVLER

JASON IVLER

JUDGE BAYANI VARGAS

JUDGE VARGAS

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RENATO EBARLE

SHY

SI IVLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with