Esquivel sinibak na sa MMDA
MANILA, Philippines - Matapos ang sunud-sunod na kontrobersyang kinasangkutan, tuluyan nang sinibak ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang kinuha niyang traffic consultant na si Roberto Esquivel.
Ito ang laman ng memorandum na pinirmahan ni Tolentino makaraan ang pakikipagbangayan ni Esquivel kay Ret. Col. Eduardo Bayangos na nakatalaga rin sa Traffic Enforcement Office na muntik na umanong humantong sa barilan.
Pinatawan rin naman ni Tolentino ng 15-araw na suspensyon si Bayangos na ibinase sa resulta ng imbestigasyon ni Atty. Rochelle Macapili, hepe ng Legal Division ng MMDA.
Nagsasagawa rin naman ngayon ng imbestigasyon ang Legal Division ukol sa napaulat na pagpapalabas sa nahuling 15-kolorum na bus na ini-impound sa MMDA impounding area matapos na makapaghatag umano ng lagay ang mga operators nito.
Nabatid naman na una na ring nakabangga ni Esquivel ang isa pang consultant ng ahensya na si ret. Gen. Danilo Gaoiran kung saan narinig pa ang kanilang bangayan sa “two-way radio” na narinig sa MMDA Metro Base at lahat ng enforcers na may hawak na radyo.
- Latest
- Trending