Contractor hulog sa gusali, lasog
MANILA, Philippines - Nalasog ang katawan ng isang contractor makaraang mahulog mula sa may 50 hanggang 40 talampakang taas ng ginagawang gusali sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Alfredo Mesa, 63, ng San Jose del Monte Bulacan.
Naganap ang aksidente dakong alas-2:30 ng hapon sa may Universal Steel and Smelting Corporation, Company Incorporated sa may 28 Quirino Highway Balumbato sa lungsod. Kasalukuyang nasa tuktok ng naturang gusali ang biktima at naglalagay umano ng bakal nang mawalan ito ng balanse at mahulog.
Dahil sa taas ng pinanggalingan ng biktima, ay grabeng napinsala ang kanyang katawan. Nagawa pa itong itakbo sa Manila Central University Hospital, ngunit binawian din ito ng buhay.
Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insidente.
- Latest
- Trending