^

Metro

'Tulak' arestado sa buy-bust

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas rehas ang isang tulak ng shabu matapos na ma­sakote sa isinagawang buy bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (AID-SOTG) iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Alton Ladjaalam, Alias Al, 33, ng Lanao Street, Salaam Mosque Compound, sa Barangay Culiat.

Ayon ulat, ganap na alas-5:30 ng umaga nang dakpin ng nasabing operatiba ang suspect sa may tirahan nito ilang minuto makaraan ang isinagawang buy bust operation kung saan nagpanggap na buyer si PO2 Joel Diomampo na nakabili sa kanya ng halagang anim na libo ng hinihinalang shabu. Sina­sabing matagal nang minaman­manan ng tropa ang suspect matapos na maka­tanggap sila ng ulat hingil sa talamak na bentahan ng droga sa nasabing Barangay.

Narekober ng mga opera­tiba kay Ladjaalam ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu at dalawang piraso ng P500 na ginamitan ng ultra violet powder mula sa kabu­uang anim na libong piso bilang ‘mark money’. Kasong pag­labag sa Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng suspect.

vuukle comment

ALIAS AL

ALTON LADJAALAM

BARANGAY CULIAT

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

JOEL DIOMAMPO

LANAO STREET

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REPUBLIC ACT

SALAAM MOSQUE COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with