^

Metro

Mandaluyong police sasailalim sa 'hasa-memorya'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isasailalim sa matinding seminar para mapatalas ang me­morya ng mga tauhan ng Mandaluyong police na inaasahang magagamit para masugpo ang krimen at makabisado ang hitsura ng mga pinaghahanap na kriminal.           

Inaasahan na isasagawa ang pagsasanay sa mga pulis ngayong darating na Sabado na pangungunahan nina UK Open International Memory Championship silver medalist Johann Randall Abrina at Binary Memory World Record holder Robert Racasa.           

Sinabi ni Mayor Benhur Abalos na importante na mapatalas ang memorya ng mga pulis na magagamit sa pagsugpo ng krimen. Kung matatandaan umano ng mga pulis ang hitsura ng mga wanted na kriminal ay madaling madadakip ang mga ito kung mamamataan sa kalsada o anumang pampublikong lugar.           

“Imagine kung magiging napakatalas ng memorya ng mga pulis, walang makalulusot na mga kriminal sa kanila at magiging ma­ayos rin ang pagresolba sa mga kaso,” ayon kay Abalos.

ABALOS

BINARY MEMORY WORLD RECORD

INAASAHAN

ISASAILALIM

JOHANN RANDALL ABRINA

MAYOR BENHUR ABALOS

OPEN INTERNATIONAL MEMORY CHAMPIONSHIP

ROBERT RACASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with