^

Metro

KFC hinoldap, P150,000 kita tangay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinasok ng dalawang armadong holdaper ang isang sangay ng KFC sa lungsod Quezon at natangay ang umaabot sa P150,000 cash at baril ng guwardiya nito, ayon sa pulisya kahapon. Sa report ng Eastwood Police Station 12 ng QCPD, ang hinoldap ay ang KFC sa Libis Branch na nasa E. Rodriguez Jr. Avenue, Brgy. Bagumbayan, Libis. Ayon sa pulisya, papa­sara na sana ang food chain nang dumating ang mga suspect sakay ng motorsiklo saka ipinarada sa tabi nito at pumasok na nagkunwaring mga kustomer ganap na alas-11:20 ng gabi. Sinasabing bago ang panghoholdap ay inutusan umano ni Marybetheliza Tablos, 24, dalaga, junior manager, ang security guard na si Raymund Dizon, 23, na tingnan ang linya ng tubo ng tubig dahil walang tumutulo. Sumunod naman agad ang sekyu at habang wala ito sa kanyang puwesto ay nabigyan ng pagkakataon ang mga sus­pect at nagdeklara ng holdap. Tiyempo namang pagbalik ng sekyu ay agad itong tinutukan ng baril ng mga suspect saka kinuha ang kanyang service firearm na kalibre 38 saka kinulimbat sa kaha ang halagang P150,000 na kinita ng food chain, bago tuluyang nagsipagtakas, sakay ng isang motorsiklo.

vuukle comment

AYON

BAGUMBAYAN

BRGY

EASTWOOD POLICE STATION

LIBIS

LIBIS BRANCH

MARYBETHELIZA TABLOS

RAYMUND DIZON

RODRIGUEZ JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with