^

Metro

Taxi driver ginilitan ng pasaherong holdaper

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang taxi driver ang nasa ma­lubhang kalagayan maka­ra­ang gilitan ng mga holdaper niyang pasahero sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ang biktima na nakaratay nga­­yon sa Novaliches District Hos­pital ay kinilalang si Ca­milo Dulot, 31, stay-in sa 8 St. Mary St., Provident Village, Marikina City.

Ayon kay SPO1 Diosdado Rosero, desk officer ng Fair­view Police Station 5 ng QCPD, nangyari ang insi­dente sa may Dahlia St., tapat ng FEU Hos­pital ganap na alas-9 ng gabi.

Bago ito, sumakay umano ang dalawang suspek sa Manila Trans Taxi (UVC-754) na mina­maneho ng biktima sa may Phil­coa at nagpahatid sa Fairview.

Pagsapit sa tapat ng FEU Hospital ay biglang nagbunot ng patalim ang mga suspect sabay tutok sa leeg ng biktima at nagdek­lara ng holdap.

Nang pumalag ang bik­tima ay saka ito ginilitan ng mga suspect, bago binuhat at ini­lagay sa compartment ng taxi, at pinatakbo ito hang­gang sa makarating sa may Nova­liches at doon na ina­bandona.

Nang maramdaman ng bik­tima na hindi na sila tuma­takbo at sa kabila ng sugat na tinamo ay binuksan nito ang com­­­partment at mabilis na bumaba saka humingi ng tulong sa mga awtoridad at madala ito sa nasabing ospital para ma­gamot.

Napag-alamang, umaabot sa P2,700 pera ang natangay ng mga suspect sa biktima na kinita nito sa buong mag­hapon.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insi­dente.

AYON

DAHLIA ST.

MANILA TRANS TAXI

MARIKINA CITY

NANG

NOVALICHES DISTRICT HOS

POLICE STATION

PROVIDENT VILLAGE

SHY

ST. MARY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with