^

Metro

Lider ng 'Bundol gang', 3 galamay timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalansag ng mga awto­ridad ang isang grupo ng kri­ minal na sangkot sa pang­ho­holdap sa   mga balik­ba­yang Overseas Filipino Workers (OFW’s), dayu­hang turista at mayayamang ne­gosyante kasunod ng pag­ka­kaaresto sa lider   at tatlo ni­tong tauhan sa magkahi­walay na operasyon sa Metro Ma­nila, ayon sa PNP ka­hapon. 

Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, kinilala ni PNP Chief Director General Jesus Ver­zosa ang mga na­sakoteng “Bundol gang” na sina Raul Lu­man­tas, Junreal Abel Gumanay at Cirilo Paja. Ang tatlo ay na­tunton sa NAIA Road, Pasay City kamaka­lawa ilang minuto matapos maka­tangay ng P17-M sa isa na namang ma­yamang biktima. 

Nabatid na nagkaroon ng maikling palitan ng putok ma­tapos habulin ng mga opera­tiba ng PNP-HPG ang mga suspect sa bahagi ng South Greenpark Subdivision sa Merville. Para­ñaque City na nag­resulta sa pagkasugat ng mga ito.

Narekober sa mga sus­pects ang isang M16 rifle, dalawang cal. 45 pistol at isang granada.

Arestado naman sa isina­gawang follow-up operations ang lider ng grupo na si Robert Sia alyas Tata Revo. Ayon naman kay PNP-High­way Patrol Group (PNP-HPG) Di­rector Chief Supt. Leonardo Espina ang grupo ni Sia ang sangkot sa serye ng robbery/holdup, hijacking at carnap­ping kabilang ang pamamaril at pagkasugat ng bayaw ni dating presidential daughter Luli Arroyo na si Jun Bernas.

Si Jun Bernas ay pinag­ba­­baril ng mga suspect ng pu­ma­lag habang sapilitang inaagaw ang minamaneho nitong sasak­yan na galing sa NAIA sa nang­yaring insi­dente sa kahabaan ng C-5 Road, Pasig City noong Hun­yo 19 ng taong ito.

Ayon kay Espina, ang modus operandi ng mga sus­pect ay ang mambiktima ng mga balik­bayang OFW’s, da­yuhang tu­rista at maya­ya­mang negos­yante sa bisini­dad ng NAIA at Domestic air­port area na su­sundan kung saan kapag naka­kuha ng tiyempo ay bubundulin ang sa­sakyan. Kapag bumaba ang driver ng behikulo upang inspeksyunin ang sasakyan ay dito na tututukan ng baril ng mga suspect, aagawin ang sasakyan at magde­deklara ng holdap ang grupo na lilimasin ang mapapa­kinabangan sa mga biktima par­tikular na ang alahas at pera.

AYON

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VER

CHIEF SUPT

CIRILO PAJA

JUN BERNAS

JUNREAL ABEL GUMANAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with