^

Metro

Trike driver patay sa bonnet gang

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang tricycle driver ng isang hindi pa nakikilalang suspect na nakasuot ng bonnet kahapon ng umaga sa Taguig City.

Tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Ramil Pacia, 39, ng Block 12 Lot 29 Dianio St., Purok 3 Upper Bicutan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig police, naganap ang krimen dakong alas-7:45 ng umaga sa kanto ng J.P. Rizal at Bonifacio St. sa Upper Bicutan. Naghihintay ng pasahero ang bik­tima nang biglang lapitan ng suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ng kalibre .38 baril.

Agad namang sinaklolohan ng barangay kagawad na si Delia Kusin ang biktima ngunit hindi na ito naisalba ng mga manggagamot.

Napag-alaman na bago nangyari ang pamamaril, nakita pa ang biktimang nakikipagtalo sa isang lalaking nakasakay ng motorsiklo na hinihinalang suspect sa krimen.

vuukle comment

BONIFACIO ST.

DELIA KUSIN

DIANIO ST.

NAGHIHINTAY

NAPAG

PINAGBABARIL

PUROK

RAMIL PACIA

TAGUIG CITY

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with