^

Metro

Sinehan pinasara, 100 katao dinakip

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isinara ni Manila Mayor Alfredo Lim ang isang sine­han sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Maynila na sina­sabing pugad ng prosti­tusyon kung saan umaabot din sa 100 katao ang na­dakip dito.

Kasama sina Chief of Staff at Manila Information Bu­reau chief Ric de Guz­man, Manila Social Welfare and Department chief Jay dela Fuente at District Special Project Unit (DSPU) sa pangunguna ni Chief Insp. Nicolas Piñon, dakong alas-4 ng hapon kamaka­lawa ng personal na pangu­nahan ni Lim ang inspek­siyon at tulu­yang pagpad­lock sa Dilson Theater.

Dalawa din sa mga tauhan ng sinehan ang inaresto.

Ayon kay Lim, marami na siyang natatanggap na reklamo laban sa nasabing sinehan kung saan gina­gawa dito ang iba’t ibang uri ng sexual acts ng mga lalaki at bakla.

Agad na pinaberipika ni Lim sa kanyang tauhan na si Peter Tamondong ang report hanggang sa mag­positibo at isagawa ang pagsalakay.

Dito ay nahuli sa akto ang dalawang lalaki na nagtatalik sa loob ng sinehan at iba pa na gumagawa din ng ka­halayan.

Dinala naman sa Reception Action Center (RAC) ang mga menor de edad habang sasampahan na­man ng kaukulang kaso ang mga nasa hustong edad.

Nabatid na maraming paglabag ang nakita ng city government sa Dilson Thea­ter kabilang na ang pag­labag sa kalinisan, fire regulations maging ang pagpa­pagamit nito sa kalaswaan.

CHIEF INSP

CHIEF OF STAFF

DILSON THEA

DILSON THEATER

DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

MANILA INFORMATION BU

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA SOCIAL WELFARE AND DEPARTMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with