Kundi kasama ang magulang, Menor de edad na dayuhan, bawal sa RP
MANILA, Philippines - Mahigpit na ipapatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbabawal sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang menor de edad na walang kasamang mga magulang.
Ito ay matapos na magpalabas si BI officer in charge (OIC) Ronaldo Ledesma ng isang memorandum order na nagsasaad ng bagong kautusan kaugnay sa pag-iisyu ng waivers of exclusion sa papasok sa bansa na mga dayuhang menor de edad na walang kasama.
Nakasaad sa inamyendahang kautusan, ang mga walang kasamang dayuhang menor de edad ay papayagang pumasok sa bansa matapos na magbayad ang guardian nito o representante ng waiver na P3,200 sa BI cashier na matatagpuan pagpasok ng paliparan.
Kinakailangan din na ang Immigration officers ang siyang mag-iingat sa pasaporte ng menor de edad gayundin ang kopya ng plane ticket nito at arrival card upang mahigpit na mamonitor ng BI ang pagdating at pag-alis nito na mayroon lamang limitadong pananatili sa Pilipinas bilang bisita o turista.
Nilinaw ni Ledesma na ang bagong kautusan ay ginawa upang matugunan ang mga ulat na mayroong mga dayuhang menor na umano’y nag-aaral sa bansa ng walang kaukulang study permits at student visas.
Karamihan sa umano’y mga foreign minors ang Koreans na nag-aaral sa English language centers na pumapasok sa bansa sa pamamagitan ng waivers of exclusion for unaccompanied minors na nakasaad sa ilalim ng Immigration Act.
Kinakailangan din na ang immigration officers sa airports ay ilagda ang petsa kung kailan na umalis ang menor de edad at siguruhin na nakasulat ang lahat ng importanteng impormas yon na nakasaad sa pasaporte nito.
Idinagdag pa ni Santos na upang maiwasan ang anu mang abala para sa representative ng dayuhang menor de edad na nagnanais na bumisita sa Pilipinas maari silang mag-apply ng waiver of exclusion sa BI OIC bago ang kanilang pagdating.
- Latest
- Trending