MANILA, Philippines - Patuloy ang pamamahagi ng mga wheelchair ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga residente ng Maynila kung saan napaiyak ang dalawang matandang babae na nabiyayaan nito kahapon ng umaga.
Kasama sina Manila Police District deputy director Sr. Supt. Alex Gutierrez, Department of Public Services chief Ret. Col. Carlos Baltazar at Manila De
partment of Social Welfare chief Jay dela Fuente, personal na inabot ni Lim ang wheelchair kina Clemencia Calvez at Benita Simbol kapwa residente ng Wagas St. sa Tondo.
Ang pamamahagi ni Lim ng wheelchair ay nagsimula pa noong 1992 sa kanyang pagsisimula bilang alkalde ng Maynila.
Sinabi ni Lim na maraming may sakit ang nangangailangan ng wheelchair subalit walang kakayahang bumili.
Si Calvez, 75, ay may sakit na Parkinson’s disease habang dumaranas naman ng hypertension at stomach problems si Simbol, 97.