^

Metro

Daga bibilhin vs leptospirosis

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng pag­­dami ng kaso ng lep­­tos­pirosis sa bansa, isang paraan naman ang nakikita ng pamahalaang lungsod ng Va­­len­zuela upang maiwasan ito.

Batay sa isinusulong na resolusyon ni Valenzuela City Liga ng mga Barangay Pre­sident, Coun­cilor Alvin Feliciano, layon nitong bayaran ng lokal na pa­mahalaan ang mga dagang mahuhuli ng mga residente sa bu­ong lungsod upang ma­­iwasan ang pagkalat ng sakit na leptos­pirosis.

Ayon kay Feliciano, hind dapat ipagsawa­lang-bahala ang pag­kalat ng sakit na lep­tos­pirosis dahil isa ito sa mga sakit na labis na nakakaapekto sa ka­­­lu­sugan at maaari ring ika­matay ng taong dadapuan nito.

Aniya, kadalasang na­kukuha ang sakit na ito sa mga dagang apektado ng leptospi­rosis sa pamamagitan ng pagsama ng ihi nito sa tubig-baha na siyang pumapasok naman sa katawan ng tao na dumadaan sa mga sugat o galos.

Dahil dito, muling isi­­­­­nulong ni Feliciano sa Sangguniang Pang­lungsod ang ordinan­sang pinamagatang “Anti-Rodent Campaign or Catch The Rat Ordinance” na isang paraan upang ma­huli ang mga dagang may dalang mikrobyo ng sakit na leptospirosis.

Giit ni Feliciano, isa lamang ang Valenzuela City sa mga lugar sa Metro Manila na mada­las na ma­apektuhan ng pagbaha kaya’t hindi imposibleng kumalat ang sakit na leptospirosis sa katawan ng tao ng hindi man lamang nito nama­malayan.

Base sa Depart­ment of Health (DOH) ang mga taong dina­da­puan ng sakit na lep­­­­tospirosis ay nag­ka­ka­­roon ng mataas na lagnat, pagsakit ng ulo, panginginig ng katawan at kasu-kasuan, pag­su­suka, pa­­­­ni­nilaw ng ka­ta­wan at pamumula ng mata, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagkakaroon ng mga galos sa buong katawan.

Maaari ring puma­sok ang bacteria ng lep­­to­s­pirosis sa pama­ma­gitan ng pagdaan nito sa mata, bibig, ilong at ang pagkain ng mga kontaminadong pag­kain at pag-inom ng tubig na nahaluan ng ihi ng daga.

Sakaling maapru­bahan sa Sangguniang Panglungsod ang naturang ordinansa, ang mga dagang mahuhuli na tumitimbang ng kalahating kilo pababa ay babayaran ng halagang P5 habang P10 naman para sa mga dagang mahuhuli na may timbang na kalahating kilo pataas.

Pangangasiwaan naman ng city health office ang “proper disposal” sa mga dagang mahuhuli ng mga residente habang aakuin naman ng lokal na pa­mahalaan ang pagbabayad sa mga ito.

ALVIN FELICIANO

ANTI-RODENT CAMPAIGN

BARANGAY PRE

CATCH THE RAT ORDINANCE

FELICIANO

METRO MANILA

SAKIT

SANGGUNIANG PANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with