^

Metro

Salvage victim natagpuan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang tadtad ng saksak sa dibdib, nakabalot ng packaging tape ang mukha at nakagapos ang mga kamay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Isinalarawan ang bik­tima na nasa edad na 40-45, may taas na 5’6’’, payat, nakasuot ng itim na polo shirts, at beige cargo shorts.

Ayon kay PO3 Modestino Juanson ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, posibleng itinali muna ang biktima saka pinahirapan bago tuluyang pinatay sa saksak.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang Mario Legaspi, habang tina­tahak ang Maximo Viola St., corner Sto. Do­mingo, Brgy. Balingasa sa lungsod ga­nap na alas-5:20 ng umaga.

Ayon kay Legaspi, nagulat siya nang mapuna ang isang duguang tao na nakadapa sa naturang kalsada kung kaya’t agad niya itong ipinagbigay-alam sa barangay na siya namang tumawag ng pulis.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­­ratives (SOCO) nakita ang apat na tama ng saksak sa kaliwang dibdib ng biktima, gayun­din ang marka o galos sa mag­­kabilang pulso nito.

Sinabi ni Juanson, may ilang ulit na binalutan ng packaging tape ang mukha ng biktima na indikasyon ng pagpapahirap ng mga suspect dito.

vuukle comment

AYON

BALINGASA

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MARIO LEGASPI

MAXIMO VIOLA ST.

MODESTINO JUANSON

QUEZON CITY POLICE

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with