^

Metro

High school student patay sa silver cleaner

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Makalipas ang apat na araw na pagkaka-confine sa ospital, namatay rin ang isang 15 anyos na estud­yante matapos na umino­m ng silver cleaner noong Set­­yembre 5, sa San Andres, Malate, Maynila.

Ayaw nang paimbestigahan pa ni Ginang Jocelyn de Leon, ang pagka­matay ng anak na si Anna Marie Shane, 3rd year high school student at re­si­dente ng #919-C San Antonio St., San Andres, Malate, Maynila.

Nadiskubre umano ng ina ng biktima dakong 11:30 ng hatinggabi noong Set­yembre 5, ang anak na nakahandusay sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan na bumubula ang bibig kaya isinugod sa Philippine Ge­neral Hospital (PGH).

Kamakalawa ng gabi ay inireport ng security guard ng PGH sa MPD-Homicide Section na patay na ang dalagita na agad namang tinungo ni SPO4 Richard Lumbad.

Lumilitaw na napagalitan lamang umano ang biktima ng ina dahil sa pagiging pasaway nito.

Ayon sa ina, madalas niyang sinasabihan ang anak at pinapangaralan dahil sa sobrang barkada at pagi­ging liberated.

Posible umanong ikinasama ng loob ng biktima ang pangaral ng ina hanggang sa ipasyang uminom ng nasabing kemikal.

vuukle comment

ANNA MARIE SHANE

C SAN ANTONIO ST.

GINANG JOCELYN

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PHILIPPINE GE

RICHARD LUMBAD

SAN ANDRES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with