^

Metro

4 holdaper tiklo sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang apat na ka­lalakihan sa magkakahiwalay na operasyon ng mga ele­mento ng Quezon City Police District (QCPD) matapos ang panghoholdap sa mga umu­uwi ng dis-oras ng gabi sa lungsod.

Nakilala ang mga suspek na sina Hermohenes Fabe, 26; Jerdi Alejo, 22; Exequil Cernechez, 18; at Efren La­cerna, 24; pawang nakatira sa Barangay Kamias, Quezon City.

Sina Fabe at Alejo ay inaresto ng mga operatiba ng Novaliches Police Station (PS-4) matapos humingi ng police assistance ang kani­ lang biktima na nakilalang si Jessnar Macasaet, 21 anyos ng Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Macasaet, nag­lalakad siya pauwi sa kaha­baan ng Quirino Highway, bandang alas-8:45 ng gabi nang bigla siyang tutukan ng baril at sapilitang kunin ang kanyang cellphone, pera, necklace at adidas bag na naglalaman ng ibang maha­lagang gamit saka mabilis na naglakad patakas.

Agad nagsumbong ang biktima sa himpilan ng pulisya at nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pag­kakadakip ng dalawang suspek.

Sa kulungan din ang bagsak ng mga hold-up sus­pek na sina Cernechez at Lacerna matapos humingi ng tulong sa pulis ang biktimang si Reden Zaragosa, 34.

BARANGAY KAMIAS

EFREN LA

EXEQUIL CERNECHEZ

HERMOHENES FABE

JERDI ALEJO

JESSNAR MACASAET

NOVALICHES POLICE STATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with