^

Metro

Publiko kokonsultahin muna

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jose De Jesus na ko­kon­­­sultahin muna ang pub­liko bago ipatupad ang pag­tataas sa pasahe sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit.           

Sinabi ni De Jesus na ita­takda nila anumang araw ang public hearing bago ang im­plementasyon ng fare hike sa buwan ng Oktubre. 

Nilinaw naman nito na hindi pa tiyak ang P25 na pag­tataas na maaaring umabot rin sa P30.

Ito’y makaraan ang pag­kontra ng National Council for Com­muter’s Protection (NCCP) sa planong pagtataas sa pasahe sa dalawang train system na umano’y siya na lamang nat­itirang uri ng trans­portasyon na nakakayanan ng mga ordinar­yong mga em­pleyado na napa­kaliliit lamang ng suweldo.           

Ngunit sinabi ni DOTC Spokes­man Undersecretary Dante Velasco na target lamang ng DOTC na pan­tayan ang pasahe sa mga air­condition bus na mula P20-P21 sa bawat pitong kilo­me­trong biyahe. 

DE JESUS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL COUNCIL

SECRETARY JOSE DE JESUS

SHY

UNDERSECRETARY DANTE VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with