^

Metro

Number coding sa mga bus, pinaboran ng MM mayors

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA) na puma­yag na ang ma­yorya ng mga alkalde sa Metro Manila na muling ipa-implementa ang number coding sa mga pam­pasa­herong bus ka­sunod ng muling pagsisikip ng trapiko ngayong mga naka­raang linggo.           

Ito ang napagkasunduan sa pulong ng mga alkalde na bumubuo sa Metro Manila Council (MMC) nitong naka­raang Miyerkules. 

Tatlo naman sa kina­tawan ng mga lungsod ang sinabing pag-aaralan pa ang mosyon. Sinabi ni Chairman Francis Tolentino na may aga­rang pangangailangan na ma-regulate ang dami ng bus na bumi­biyahe sa mga pangu­nahing lansangan partikular na sa EDSA kasa­bay ng muling pagsisikip ng trapiko dahil sa panay-panay na pagbuhos ng ulan.           

Hiniling naman nito sa mga kinatawan ng mga lung­sod sa MMC na mag­bigay ng kanilang mga suhestiyon at opinyon para sa maayos na implemen­tasyon ng number coding sa mga pampasa­herong bus.         

Suportado ang mosyon ni Malabon City Mayor Canuto Oreta at maging mga kina­tawan ng mga lungsod ng Marikina, Quezon, at iba pa. Hiniling naman ng Makati City, Muntin­lupa City at Valenzuela City na masusi pa nilang pag-aralan ang usapin bago magdesisyon.           

Nabatid na dati nang sakop ng number coding ang mga pampasaherong bus hanggang sa isuspinde ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2004.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

HINILING

MAKATI CITY

MALABON CITY MAYOR CANUTO ORETA

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with