^

Metro

Barilan sa loob ng bahay: 3 patay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang dito ang isang pulis at isang babae ang nasawi sa naga­nap na barilan sa loob ng isang bahay sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala si PO3 Armando Pascua, nakatalaga sa District Security and Support Unit ng Southern Police District (SPD) at naninirahan sa Ba­gong Lipunan St., Baclaran, Parañaque.

Naisugod naman sa Pro­tacio Medical Clinic ngunit binawian rin ng buhay ang hinihinalang tulak ng iligal na droga na si Arnel Sangco­pan, habang nasawi rin sa loob ng San Juan de Dios Hospital ang 31-anyos na si Mary Jane Hernandez dahil sa tama ng bala sa batok.           

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, naganap ang pama­maril dakong alas-6 kama­kalawa ng gabi sa loob ng bahay ni Hernandez sa #49 Bagong Lipunan St., Para­ñaque.

Ayon sa mga saksi, nakitang pumasok sa bahay si Pascua kasama ang isang hindi nakilalang pulis.

Makalipas ang ilang san­dali, sumunod na puma­sok naman sa loob ng bahay si Sangcopan kasama ang isa pang hindi rin nakilalang lalaki. Iland minuto pa ang lumipas, dito na nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril sa loob ng naturang bahay.           

Ayon naman sa ina ni Hernandez na si Aling Loreta, naglalaba siya sa labas ng bahay nang marinig ang mga putok ng baril. Nang humupa ito, naglakas-loob siyang pumasok sa kanilang bahay kung saan tumambad ang duguang anak at dalawa pang lalaki.           

Hindi naman mahagilap ang kasamahang pulis ni Pascua maging ang lalaki rin na kasama naman ni Sang­copan. Malaki naman ang teorya ng pulisya na posib­leng may kinalaman sa iligal na droga ang naturang insi­dente na siyang tinutumbok ngayon ng kanilang imbesti­gasyon.

ALING LORETA

ARMANDO PASCUA

ARNEL SANGCO

AYON

BAGONG LIPUNAN ST.

BAHAY

DIOS HOSPITAL

DISTRICT SECURITY AND SUPPORT UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with