Pahinante hulog sa payloader, tigok
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang pahinante ng payloader truck nang aksidenteng mahulog ito dito at tumama ang ulo na ikinabagok nito, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Nonoy Almonia, 25. Naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa loob ng cargo shipyard, sa Baseco compound, Tondo. Sa pahayag ng sekyu na si Danilo Pancho, nakita niyang umaakyat sa payloader ang biktima na umano’y nakainom nang biglang mahulog ito. Kagyat na namatay ang biktima kaya’t patuloy pang iniimbestigahan ang insidente upang alamin kung may foul play dito.
- Latest
- Trending



















