^

Metro

Tactical units ng PNP sa Metro Manila, iikutan ng audit team

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Bumuo ng isang audit team ang National Capital Regional Police­ Office (NCRPO) na iikot sa mga police districts sa Metro Manila upang suriin ang kalagayan ng mga tactical units ng pulisya at mapataas ito. Sinabi ni NCRPO chief, Director Leocadio Santiago Jr. na magsasagawa ng assessment at evaluation ang audit team sa kapabilidad, organisasyon, tauhan, skills ng mga pulis, at dina­anang pagsasanay ng Special Weapons and Tactics unit (SWAT) at Explosive and Ordnance Disposal units (EOD). Aalamin rin kung anu-anong mga armas at equipments ang hawak ng mga units na ito upang malaman kung ano ang kulang at ang agarang panga­ngailangan na kailangang solusyunan ng pam­bansang pulisya. Umaasa si Santiago na sa pagsusuri ng audit team, mapapataas ang kakayahan ng mga tactical units upang maging epektibo sa pagresolba sa krisis makaraang mapahiya ang bansa sa naganap na hostage crisis sa Maynila.

AALAMIN

BUMUO

DIRECTOR LEOCADIO SANTIAGO JR.

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DISPOSAL

MAYNILA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE

SINABI

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with