^

Metro

Pagbusisi sa torture video, sinimulan na ng DOJ

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ng Department of Justice (DoJ) ang imbes­tigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na torture video sa isang robbery suspect. Humarap sa ginawang preliminary investigation sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Philip Kimpo si Sr. Insp. Joselito Binayug at ilan pa sa pulis na inaakusahan.

Iginiit ng abogado ng complainant na si Atty. Harry Roque na i-play ang video subalit tumanggi naman ang panig ng depensa na si Atty. Orlando Salatandre Jr, abogado ni Binayug na hindi sila tutol na ipakita ang video subalit hinihiling muna nilang magkaroon sila ng kopya nito na siya nilang pagbabasihan para sa counter affidavit. Nagdesisyon naman si Kimpo na mabigyan agad ng kopya ng video ang depensa at sa susunod na pagdinig na lamang sa Setyembre 16 ito ipalabas kasabay ng pagsusumite ng counter affidavit ng mga respondent.

Nakatakda din na ipatawag ng DoJ sa susunod na pagdinig sina ABS-CBN Vice President for News Maria Ressa at TV reporter­ na si Nikko Baua kung saan pinasusumite sa dalawa ang orihinal na video na kanilang nakuha mula sa kanilang source. Ipinaliwanag ni Roque na mahalagang makita ang orihinal na video upang maikumpara ito sa iba pang video na naglipana gaya ng sa You Tube. Ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang syang tumatayong complainant sa kaso gayundin ang pamilya ng biktima na nasa torture video na nakilalang si Darius Evangelista.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DARIUS EVANGELISTA

DEPARTMENT OF JUSTICE

HARRY ROQUE

JOSELITO BINAYUG

NEWS MARIA RESSA

NIKKO BAUA

ORLANDO SALATANDRE JR

SENIOR STATE PROSECUTOR PHILIP KIMPO

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with