^

Metro

Bus sumalpok sa poste, 1 malubha, 17 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Malubhang nasugatan ang isang bus driver, habang 17 pa sa mga pasahero nito ang sugatan makaraang sumalpok sa poste ng Meralco ang sina­sakyan nilang pampasaherong bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Maximo Sabio, hepe ng Traffic Sector 6 ng Quezon City Police, kinilala ang driver na si Teodoro Cornejo, 50, na ngayon ay ginagamot sa East Avenue Medical Center ma­tapos na magtamo ng labis na pinsala sa katawan at mga binti.

Agad namang nilapatan ng lunas sa nasabi ring ospital ang 17 mga sugatang pasahero.

Nangyari ang insidente   ganap na alas-10:30 ng gabi habang tinatahak ng  Lippad Bus (TXL-590) na mina­ma­neho ni Cornejo ang Commonwealth Avenue sa Tandang Sora, Brgy. Old Balara galing Elliptical Road patungo Fair­view nang bigla umanong ma­walan ng preno ang bus.

Sa puntong ito, nagpa­gewang-gewang sa kalsada ang bus hanggang sa tuluyang dumiretso ito sa bangketa at sumalpok sa isang poste ng Meralco.

Dahil sa malakas na impact ng pagkabangga nawasak ang unahang bahagi ng bus at naipit si Cornejo, kasabay ng pag­ka­kasugat naman sa mga pasa­hero nito.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang kinakaharap ngayon ng sugatang driver.

COMMONWEALTH AVENUE

CORNEJO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ELLIPTICAL ROAD

LIPPAD BUS

MAXIMO SABIO

MERALCO

OLD BALARA

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with