^

Metro

Pasahe sa LRT at MRT itataas sa P25

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Itataas sa maximum na P25 ang pasahe sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT) ngayong darating na buwan ng Oktubre, ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC).           

Bukod sa pagtataas sa pasahe, inihayag rin ng DOTC ang pagpalit ni Under­secretary Glicerio Sicat bilang officer in charge ng MRT Authority ka­halili ni dating Usec. Reynaldo Berroya.           

Sinabi ni Undersecretary for public information Dante Ve­lasco na ang pag-upo ni Sicat, isang dating investment banker, ay sa panahon na nais ng pama­halaan na mapataas ang serbisyo, maging mas epis­yente, at umayos ang kita ng “train system” ng bansa.           

Plano rin ng DOTC na pag-isahin na lamang ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at MRTA sa ilalim ni Usec. Sicat upang mas maging epektibo ang pama­mahala sa mga tren na pla­nong pagdugtung-dug­tungin ng pamahalaan para sa higit 1.2 milyong pasahero ng mga ito kada araw.           

Ipatutupad ang pagtataas sa pasahe sa darating na Oktubre kasabay ng pagsa­sanib ng LRTA at MRTA.          

Mata­tandaan na unang inihayag ang planong pagta­taas sa pasahe sa mga tren nitong nakaraang Agosto dahil sa hindi na makayanan ng pamahalaan ang pagbi­bigay ng subsidiya para sa operasyon ng mga ito. 

Nabatid na sumisingil ang LRT ng P17 maximum na pa­sahe mula Balintawak hang­gang Baclaran station at P15 naman sa MRT mula North Avenue­ station hang­gang Taft Avenue station.           

Ayon naman sa National Coalition for Commuters Protection (NCCP), kaila­ngang pag-aralan munang mabuti ito ng pamahalaan at pinupuri ang pagbibigay ng subsidiya para sa mga mahihirap na mananakay ng LRT at MRT.           

Sinabi naman ng DOTC na patuloy pa rin naman ang pag­bibigay ng subsidiya na baba­wasan lamang nila sa pagtataas ng hanggang P25 na malayo sa unang naiulat na P44. 

COMMUTERS PROTECTION

DANTE VE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GLICERIO SICAT

LIGHT RAIL TRANSIT

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with