Cableman patay sa kuryente
MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 35-anyos na lineman na nagkakabit ng cable makaraang makuryente sa isang high tension wire ng Manila Electric Company (Meralco) at mabagok ang ulo sa semento sa kanyang pag bagsak, kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City. Hindi na umabot ng buhay sa paga mutan ang biktimang nakilalang si Raymund Seperidad, cable installer ng SERDRN Cable Contractor, at naninirahan sa no. 700-A Daang Bakal street, Mandaluyong City. Sa ulat ng Las Piñas police, naganap ang insidente dakong alas-3:50 ng hapon habang nagkakabit si Seperidad ng linya ng cable television sa harapan ng isang basketball court sa may Tramo Road, Manuyo Uno, ng naturang lungsod. Nabatid na kasama ng nasawi si Ronilo Paduga, 31, cable agent. Sinabi ni Paduga na nag-aayos umano siya ng kableng gagamitin sa paglilinya nang bigla siyang makarinig ng dalawang sunod na malakas na pagsabog at biglang pagkawala ng supply ng kuryente. Nang tumingala siya sa itaas ng poste, wala na rito ang kanyang kasamahang si Seperidad at nakita na lamang niyang duguan ng nakahan dusay sa kalsada.
- Latest
- Trending