^

Metro

Binatilyo lasog sa van

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi paggamit ng overpass, lasog ang kata­wan ng isang 17-anyos na binatilyo nang masagasaan at maka­lad­kad ito ng isang van ha­bang papatawid sa Caloocan City kamakalawa. Dead-on-arrival sa Paga­mutan Lung­ sod ng Malabon ang biktimang si Michael JhunAbrio, ng Damata St., Brgy. Tonsuya, Malabon City, matapos mag­tamo ng matin­ding pinsala sa katawan. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Randy Liboon, 29, taga-Kaunlaran Village ng lungsod pa ring ito at driver ng van (RKE-814). Sa inisyal na im­bes­ti­gasyon ng Caloocan City Traffic­ Enforcement Unit, na­ga­nap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa kaha­baan ng C-4 Road, Ca­loocan City. Nabatid na hindi gumamit ang biktima ng overpass kaya’t sa baba na lamang ito tuma­wid. Hindi nito ­ang paparating na van na mina­maneho ni Liboon, huli na bago nakontrol ng huli ang preno hanggang sa mahagip nito ang binatilyo. Nakaladkad pa ang kata­wan ng biktima, dahil dito ay mabilis itong isinugod sa naturang ospital, ngunit hindi na ito nakarating ng buhay.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY TRAFFIC

DAHIL

DAMATA ST.

ENFORCEMENT UNIT

KAUNLARAN VILLAGE

MALABON CITY

RANDY LIBOON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with