^

Metro

Ginang natuluyan sa ika-5 suicide

- Nila Ludy Bermudo at Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Natuluyan nang mamatay ang isang 40-anyos na ginang sa ika-limang beses na tangkang suicide upang umano’y taka­san ang kahirapan ng kanilang buhay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jocelyn Arangote ng 1437 Gate 8 Parola Compound, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Det. Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:20 ng gabi nang madiskubre ang biktima na nakatali ang leeg sa kisame sa 2nd floor ng kanilang bahay ng mister na si Repoldo Arangote.

Nabatid na naganap ang insidente habang nasa isang binyagan sa Quezon City si Repoldo at anak nilang panganay.

Dakong alas-8 ng gabi nang madatnan ng mag-ama ang ginang sa taas ng ka­nilang tahahan na umiinom umano ng alak. Naghanda naman ng pagkain si Repoldo dakong alas-9:20 para mag­hapunan sila at nang tawagin ang misis ay doon nakitang nakabigti na ito.

Mabilis umanong kinalas ng mister ang tali at isinugod sa ospital ang asawa kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Ani Repoldo, naagapan lamang umano ang apat na mga  pagtatangkang suicide ng biktima hanggang sa nitong huli ay natuluyan na. Daing umano ng misis sa kanya ang sobrang kahirapan.

Inaalam din kung may foul play sa kaso.

Samantala, isang 23- anyos na binata rin ang nagbigti makaraang mag-away sila ng kanyang kinakasama hinggil sa ka­nilang buwanang bayarin sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Arvin Bacus, 23, service Crew, ng Block 13, Kasiyahan St., Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Bago ang insidente, nagtalo umano ang nasawi at kinakasama nitong si Joy hinggil sa kanilang monthly bills kung saan nabugbog pa ng una ang huli.

Matapos nito, ganap na alas-2 ng madaling-araw, nagulat na lamang umano si Joy nang matuklasan niya ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.

ANI REPOLDO

ARVIN BACUS

DANILO VIDAD

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

HOLY SPIRIT

JOCELYN ARANGOTE

KASIYAHAN ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with