Sanggol todas sa crib

MANILA, Philippines - Isang 8-buwang sang­­gol na lalaki ang nasawi nang lumusot ang ulo nito sa butas ng duyan, sa Tondo, Maynila kamaka­lawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si John Prince Henry ng 36-B Quezon St., Tondo, sanhi ng matin­ding pinsala sa kan­yang ulo.

Sa ulat ni Det. Lito Lopez ng Manila Police District-Homicide Sec­tion, dakong alas-3 ng hapon nang  makaidlip umano ang ina ng sang­gol na si Richelle Eulogio Frogosa Henry, 24, sa loob ng kanilang bahay habang nasa crib ang baby.  

Alas-6 ng gabi nang tu­luyang bawian ng buhay ang sanggol sa os­pital.

Naniniwala ang mga awtoridad na maaring na­gising ang sanggol at ha­bang naglalaro ito ay lu­mu­sot ang ulo sa siwang ng crib.

“Meron kasing butas ’yung crib na pwedeng magkasya ’yung ulo ng bata at doon siya puma­sok,” paliwanag ni Lopez.

Lumagda naman sa ‘waiver’ ang ina ng sang­gol sa pakiusap na hu­wag nang imbestigahan ang kaso dahil wala namang foul play at hindi niya umano ginustong mang­yari ito sa anak.

Show comments