Kelot todas sa kapitbahay
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki nang salubungin ng saksak ng kapitbahay habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Manny Bucab, 22, ng Pag-asa St., Bagong Barrio ng lungsod na ito.
Pinaghahanap naman ng mga pulis si John Valenzuela, 31, na kapitbahay ng biktima.
Ayon sa report, nabatid na alas-8 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Pag-asa St., Bagong Barrio nang salubungin ng saksak ng suspek. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima kung saan inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pananaksak.
- Latest
- Trending