^

Metro

Kaso ng utol ni Mendoza, ipinababasura

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hiniling ni SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng hostage taker na si Senior Inspector Ro­lando Mendoza sa Manila Metro­politan Trial Court na ibasura ang kasong isinampa laban sa kanya.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, nagsumite na sila ng kanilang petisyon sa korte upang ibasura ang kasong Serious Disobedience sa ilalim ng Article 151 ng Revised Penal Code.

Pansamantalang nakala­laya si Gregorio matapos na magpiyansa ng P2,000 .

Ayon kay Acosta pinaboran ni Manila MTC Branch 11 Judge J. Ermin Ernest Louie Miguel ang kanilang hiling na itigil na ang arraignment at sa halip ay mag-file ng motion to quash.

Ipinaliwanag ni Acosta na ang kanilang pagsusumite ng motion to quash ay bunga na rin ng pagiging depektibo at maraming mali sa information sa pagsasampa ng kaso laban sa kanyang kliyente.

Matatandaan na si Gre­ gorio ay inaresto ng Manila Police District matapos na i-hos­tage ng nasawing kapatid nito ang mga Hong Kong na­tionals na nauwi sa madugong sitwasyon.

Sinasabing ang pag-aresto kay Gregorio ang nagdulot umano ng pag-aalburoto ni Ro­lando na naging dahilan upang pagbabarilin ng huli ang kan­yang mga hostages sa loob ng tourist bus sa Quirino Grand­stand sa Rizal Park, Maynila.

ACOSTA

AYON

CHIEF ATTY

ERMIN ERNEST LOUIE MIGUEL

GREGORIO

GREGORIO MENDOZA

HONG KONG

JUDGE J

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with