^

Metro

Pajama sa eskuwela pwede na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Maaring hindi magsuot ng uniporme ang mga mag-aaral sa mga pampublikong ele­men­tarya at high school at pwedeng pantalon o pajama at long sleeves ang kanilang gamitin bilang panlaban sa mga kagat ng lamok na may dalang dengue.

Sa Maynila, pinapayagan na ng Division of City Schools of Manila ang pagsusuot ng pantalon ng mga mag-aaral sa elementarya upang pan­salag sa kagat ng lamok na nagdudulot ng dengue.           

Sinabi ni Asst. Supt. Cris­tina Reyes, na hindi na sila mag­hihigpit sa uniporme upang malabanan ang lalo pang pagkalat ng sakit na maaaring maging epidemya. 

Ibinase umano nila ito sa memorandum order na ini­labas ng DepEd base sa rekomendasyon ng Depart­ment of Health. Inamin ni Reyes na nakababahala ang pagdami ng mga nagkaka­sakit ng dengue sa mga public school sa Maynila na nitong Agosto ay umabot na sa 50 ang kumpirmadong kaso kung saan tatlong estudyante ang namatay. 

Sa Quezon City, ilang paaralan na rin ang nagpa­papasok sa kanilang mga mag-aaral kahit nakasuot ang mga ito ng mga pajama.

Kabilang rito ang Rosa L. Susano-Novaliches Elemen­tary School na may pinaka­malaking populasyon ng mag-aaral sa elementarya sa buong bansa na may 9,600 estudyante.           

Sa datos ng DOH, may 54,659 na ang tinamaan ng dengue sa buong bansa na may 429 nang nasasawi. Mas mataas ito ng 74.9% kaysa sa naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

AGOSTO

DIVISION OF CITY SCHOOLS OF MANILA

REYES

ROSA L

SA MAYNILA

SA QUEZON CITY

SHY

SUSANO-NOVALICHES ELEMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with