^

Metro

Bibilanging balota sa Maynila, nabasa

-

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni dating Manila Mayor Lito Atienza sa Commission on Elections (Comelec) na atasan ang City Treasurer at election officers sa May­nila na magpaliwanag sa nangyari sa ilang mga balota na nakatago sa Museo ng Maynila kung saan ang ilan ay nakitang basa ng tubig.

Sa tatlong pahinang motion iginiit ni Atienza na hindi kapani-paniwalang aksidente lamang ang pag­kakabasa ng mga ba­lota dahil nasa loob ito ng Museo, malaki ang panini­wala ng dating alkalde na sinadyang basain at isa­botahe ang mga balota upang mahirapan sa isina­sagawang recount.

Sa ginawang imben­taryo ay lumitaw na 80 ballot boxes na mula sa ikaapat at ikalimang distrito ang nalubog sa tubig, ang naganap na pagpabaya umano sa mga balota na tungkulin ng City treasurer ay dapat na panagutan.

Dahil sa insidente ay mas nararapat na agad nang ilipat sa Comelec head office sa Intramuros Maynila ang mga balota upang agad nang masimu­lan ang recount, nabatid na ang mga ballot boxes ay pa­ wang inilipat na sa Philpost Office sa Lawton Maynila mula sa Museo Pambata.

Umapela rin si Atienza kay Parish Pastoral Coun­cil for Responsible Voting (PPCRV) Chairman Am­bas­sador Henrietta de Villa na imonitor at iobserba ang gagawing manual recount ng mga balota noong elek­syon sa posisyon bilang mayor ng lungsod ng Maynila.

ATIENZA

CHAIRMAN AM

CITY TREASURER

COMELEC

INTRAMUROS MAYNILA

LAWTON MAYNILA

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with