^

Metro

Bagong laya itinumba

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na bi­nata na kalalaya pa la­mang sa Manila City jail ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang sus­pect sa Tondo, May­nila, kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Gino Arce, tubong Tac­loban City at residente ng Area H, Gate 20, Parola Compound, Tondo. Nag­tamo ito ng tama ng bala sa ulo. Mabilis namang tumakas ang suspect ma­tapos ang isinaga­wang krimen.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:10 ng gabi nang ma­lapitang barilin ang biktima habang naka­tam­bay sa Sparline Road, Gate 1, Area A, Parola com­­­­­pound, Tondo nang lapitan ng suspect at pa­putukan sa ulo.

Kalalabas pa lamang umano ng kulungan ng bik­tima sa kasong rob­bery (hold-up).

May nagbigay ng im­por­masyon sa imbes­tiga­dor na may kaaway ang biktima sa break­water sa Tondo.Patuloy pa ang im­bestigasyon sa kaso.

AREA A

AREA H

AYON

GINO ARCE

ISANG

KALALABAS

MANILA CITY

PAROLA COMPOUND

SHY

SPARLINE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with