Parak patay sa traktora

MANILA, Philippines - Patay ang isang ba­gitong pulis makaraang masagi ang sinasakyan niyang motorsiklo ng isang traktora sa kaha­baan ng EDSA, Pasay City kaha­pon ng mada­ling-araw.

Nakilala ang nasawi na si PO1 Oliver Padro, 31, na­ka­talaga sa Re­gional Mobile Group sa Camp Bagong Diwa, Taguig at naninirahan sa   Sampaloc, Maynila.

Inaalam naman nga­yon ng pulisya ang pag­ka­­ka­kilanlan sa driver ng tractor head na naka­sagi kay Padro na tuma­kas ma­karaan ang in­sidente.

Sa ulat ng Pasay po­lice, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklong may plakang 7942-UA at bina­bagtas ang kaha­baan ng EDSA mula sa Taft Avenue patungong Makati City dakong alas-3 ng madaling-araw nang masagi ng trak­tora na hindi nakuha ang plaka.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, may ilang met­rong tumilapon sa ere ang biktima at una ang ulo na bumagsak sa kal­sada sanhi ng pagkaka­bagok at agad na ka­matayan ng pulis.

Nabatid naman na pinagnakawan pa ng mga istambay sa natu­rang lugar ang bangkay ng biktima bago mares­pon­de­han ng mga awto­ridad.

Show comments