^

Metro

Call center agent patay sa trak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na pagka­sawi ang inabot ng isang 52-anyos na call center agent ma­ka­raang mabangga at maka­ladkad ng isang rumaragasang trak kahapon ng madaling-araw sa C-5 Road, Taguig City.

Nagkalasug-lasog ang kata­wan ng biktimang nakilalang si Geronimo Sudario, residente ng Rosewood Point St., Brgy. Ususan, Taguig City.

Agad namang naaresto at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng trak na si Florencio Soriano, 38, ng Sagrada Pamilya Village, Bagong Bayan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Po­lice, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa may northbound lane ng C-5 Road sa tapat ng isang gas station sa Fort Bonifacio.

Nabatid na papatawid ng naturang highway si Sudario nang mabangga ng rumaraga­sang Isuzu Elf truck (RCH-699) na minamaneho ni Soriano. Na­­kaladkad pa ng may 14 na metro ng trak si Sudario na sanhi ng agaran nitong kama­tayan.

Hindi naman nagawang makatakas ng driver na si Soriano makaraang agad na masakote ito ng mga rumes­pondeng barangay tanod sa lugar.

vuukle comment

BAGONG BAYAN

FLORENCIO SORIANO

FORT BONIFACIO

GERONIMO SUDARIO

ISUZU ELF

ROSEWOOD POINT ST.

SAGRADA PAMILYA VILLAGE

SHY

SORIANO

SUDARIO

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with