^

Metro

Pawnshop sinalakay ng 'Acetylene gang'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng “Acetylene gang” ang muling umatake sa isang pawnshop, na tuma­ngay ng mga alahas at cash na tinatayang nasa P6.8-milyon sa panulukan ng Jose Abad Santos at Tayuman Sts. sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nadiskubre na isang maliit na butas sa kisame ng Bellardo Pawnshop na nasa unang pa­lapag ng gusali ang pinag­daanan ng mga suspect na inila­rawan sa edad na 40 hang­gang 50.

Sa ulat ni PSupt. Ferdinand Quirante, nagawang makalusot papasok sa pawnshop  ng mga suspect sa pamamagitan ng pagbutas sa sahig ng kanilang inuupahang apartment sa nasabi ding gusali. Ang kuwarto umano ng mga suspect ay mismong tapat ng kisame naman ng pawnshop.

Sa pagtaya umabot sa halagang P5-milyon ang mga alahas na nakulimbat at P1.8 milyong cash mula sa vault.

Nadiskubre lamang ang krimen ng empleyado ng pawn­shop na si Vernalyn Pulido, nang pumasok ito dakong alas-8 ng umaga kahapon. Nakita niya ang butas sa kisame , habang ang vault naman ay wala nang laman.

Sa pahayag naman ng may-ari ng gusali na si Mario Ramos, isang buwan pa lamang uma­nong nangungupahan ang mga suspect sa 2nd floor. Itinawag lamang umano ng isang nag­pakilalang “Malou” na kung ma­aaring umupa ang kaniyang mga tindero sa apartmenrt ni Ramos.

Wala rin umanong na­pansin na kakaibang kilos sa dalawang suspect maliban sa pagbu­bukas umano ng napa­kalakas na tugtugan sa radio hatinggabi ng Martes, na hini­hinalang dito na isinagawa ang operasyo para pasukin ang pawnshop.

BELLARDO PAWNSHOP

DALAWANG

FERDINAND QUIRANTE

JOSE ABAD SANTOS

MARIO RAMOS

NADISKUBRE

SHY

TAYUMAN STS

VERNALYN PULIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with