^

Metro

Quezon City fire: 100 pamilya nawalan ng bahay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May 100 pamilya ang na­walan ng tirahan sa nangyaring sunog dulot ng umano’y napa­bayaang kandila sa lungsod Quezon kahapon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Rosendo Cabillan, arson in­vestigator ng Quezon City Fire Station, aabot sa 50 kabahayan ang nasunog sa may Calle II, Agham Road, San Roque 1, Brgy. Pag-asa sa lungsod ganap na alas- 6:30 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nagsimula ang apoy sa ika­lawang palapag na bahay ng isang Ricardo Tubal, barangay ex-o dahil sa napabayaan umanong kandila sa loob nito.

Matagal na umanong wa­lang suplay ng kuryente ang bahay ni Tubal kung kaya gumagamit ito ng kandila bilang ilaw.

Subalit, ayon kay Cabillan, itinatanggi umano ni Tubal ang alegasyon dahil umaga naman daw para gumamit pa ng kan­dila. Gayunman, upang mabig­yan ng linaw ang sumbong ay inimbitahan ng pamunuan ng pamatay-sunog si Tubal, pero nagmamatigas umano itong sumama.

“Duda kami sa kanya, kaya pinadalhan na namin siya (Tubal) ng ikalawang imbitas­yon, pero kung hindi siya sa­sama ay gagawa na kami ng aksyon para dito,” sabi pa ni Cabillon.

 Samantala, dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga barung-barong ay mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa Task Force Bravo.

Naideklarang fire out ang sunog ganap na alas-7:30 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasawi sa sunog maliban sa isang Edward Ramos, 15, na nasugatan matapos na ma­hulog sa bubungan ng kanyang bahay at ginagamot ngayon sa malapit na ospital.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pamatay-sunog sa nasabing insidente.

AGHAM ROAD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EDWARD RAMOS

QUEZON CITY FIRE STATION

RICARDO TUBAL

ROSENDO CABILLAN

SAN ROQUE

SENIOR FIRE OFFICER

SHY

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with